Ang Sapatos:Isang Rebyu

10:05:00 PM ivannejuare 0 Comments

Aanhin mo nga ba ang sapatos kung iisa lamang ito at nawawala ang kanyang kapares?

Hindi ito tungkol kay Cinderella. Kundi sa pelikulang RED SHOES. Isang indie film na pinangugunahan ng ilan sa mga mahuhusay at batikang aktor sa industriya. Ang pelikulang ito ay umiikot sa buhay ni Lucas, sa mga mahalagang tauhan sa buhay niya at pati na rin sa isang pares ng Red Shoes na ninakaw niya mula sa koleksyon ng dating unang ginang na si Imelda Marcos.

Talagang maganda ang Red Shoes. Hindi lamang dahil sa istorya nito, kundi dahil na rin sa mga aktor na gumanap. Napakagaling ng kanilang pag-ganap. Makatutuhan ang pagbitaw nila ng linya. Sa katunayan, ilan sa mga ito ay tumatak na sa aking isipan:

"...Sobrang mahal!"
"Kanan para sa katarungan. Kaliwa para sa pag-ibig."
"Like mother like daughter. Like father like son."
 "Hindi ko iiwan ang Republika ng Pilipinas."
 "Tama ako, nakatungtung ka nga sa marmol...at ikaw nakapatong sa akin."
Hindi ako nagkamali nang sabihin ko na maganda ang Red Shoes. Hindi ako nanghihinayang sa oras na iginugol ko upang manuod ng Red Shoes, sa halip na mag-aral ako. Walang dudang nagustuhan ng mga manunuod ang pelikula dahil ito ang nakatanggap ng pinakamalakas na palakpakan sa lahat ng mga pelikulang ipinalabas ngayong araw. Sa kabuuan ng pelikula, nagkaroon ng maraming reaksyon ang mga manunuod: may  mga napaluha, may napatawa, may kinilig, may napamangha, at may nainis.

Mabuti na lang at nagkaroon ng libreng panood sa Iloilo Film Festival. Salamat sa mga taong nasa likod ng nasabing okasyon. Sa tingin ko, isa itong matagumpay na okasyon.

Sa Red Shoes, nabanggit ang isang karanasan ni Rizal: Nang minsan mahulog ang isang pares ng kanyang tsinelas/sapatos sa ilog, hinayaan niya rin raw tangayin ang isa pang pares nito dahil ayon sa kanya, aanhin mo pa nga ba ang sapatos kung iisa lamang ito. Nagtapos ang Red pelikula ng hinagis ni Lucas ang Red Shoes sa ilog. Nakuha naman ito ng isang bata, ngunit hinagis niya ng kaliwang pares ng sapatos at ibinigay ang kanang pares sa lola niyang iisa na lamang ang paa. Hindi ba tila isang kontradiksyon ang katapusan ng Red Shoes sa sinabi ni Rizal?

:)