Mga Mumunting Hinanaing

10:08:00 PM ivannejuare 0 Comments

Wala akong masyadong alam tungkol sa ‘fashion’ kaya marahil wala akong karapatan manghusga kung anong maganda o bagay sa isang tao. Pero siguro naman kahit isang ordinaryong tao na walang kamuang-muang sa mga jeggings, DIY at ootd, alam naman siguro ang limitasyon sa pagdadamit at pagmake-up.

Patok ngayon ang mga shorts. May mga short shorts na, meron pang pekpek shorts at kung ano pang tawag sa mga shorts na yan. At dahil sunod sa uso ang karamihan, halos saan ka man tumingin lahat nakashorts. Wala naman talaga akong problema kung sa gusto lang talaga nila ipakita ang magaganda at makikinis nilang hita at legs. Ang sa akin lang naman, ilagay naman sana nila sa lugar. Nakakainis lang kasi makakita ng mga babae na gustong irespeto pero ni hindi man lang nag-aalinlangan magsuot ng maong na panty. Iyon bang tipong halos lahat na makita sa kanila tapos sila pa itong may ganang magreklamo ng pambabastos. Naku naman! Ayaw mong mabastos? Magdagdag ka kasi ng kahit na kapirangot na saplot sa katawan mo. Kung siguro nalaman ng mga ninuno natin habang tumatagal, paikli at paikli ang mga suot ng mga kababaihan, malamang pinahabaan pa nila ang suot ni Maria Clara. Baka nga naging kasinghaba pa ng mga traje de boda ang mga kasuotan noon.

Wala akong pakialam kung gusto ng iba ang magmake-up araw-araw. Panahon at pagod naman nila yun, hindi akin. Pero may ilan na sobra sobra na talaga. Yung bang tipo na alam mo na mayaman sila sa make up, na para bang ilang marka lang ang itinaas ng mukha nila kung ikukumpara sa drawing ng isang kindergarten. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit o maawa. Malamang na hindi sila nakaharap sa salamin bago lumabas ng bahay. O baka tulog pa iyong utak nila nang magmake up sila. Meron pang iba na kung makaasta akala mo kung sinong maganda na sila, na porket nakamake-up na sila maganda na sila at may karapatan na silang manlait ng iba. Oo maganda ang pagkakamake-up niyo. Ba’t hindi niyo kaya subukan tanggalin? Malamang, hindi kagandahang asal lang maiiwan sa inyo. Pasensya na, pero talagang mas gusto ko lang ang mga maganda na walang kaartehan sa katawan, yung bang maganda pero hindi ipinagsisigawan na maganda sila.


Marahil may kasakitan ang mga nasabi ko. Marahil may natamaan, may napaisip, may nagalit, may nagkibit balikat. Ang gusto ko lang naman ay mailahad ang aking mga kaunting saloobin tungkol sa mga bagay bagay, gaano man ito kaliit o walang kwenta. Sana sa susunod na lumabas kayo ng bahay, tumingin muna kayo sa salamin kung mukha ba kayong desente, kung makakalakad ka ba sa harap ng maraming tao ng taas noo, kung hindi ka ba malalait o mababastos. Sana man lang, kahit papaano ay napaisip ka tungkol sa mga hinaing ko.